Nanawagan si Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa publiko partikular na sa mga mamamayan ng lungsod na di masyadong tinamaan ng mga nagdaang pagbaha na kung maaari ay wag na makipagagawan sa ayuda o tulong na dapat ay para sa tunay na naapektuhan ng kalamidad.
Ginawa ng alkalde ang pahayag sa panayam ng Star FM Cotabato matapos itong magmonitor sa bigayan ng ayuda o tulong para sa mga nasalanta sa Barangay Tamontaka 1 kung saan galing sa national government ang tulong.
Ayon kay Matabalao, naiintindihan nito ang kalagayan ng mga mamamayan sapagkat walang nakaligtas sa pagbaha ngunit mayroon namang hindi masyadong apektado o totally damaged ng pagbaha ang kanilang kabahayan.
Dahil dito, magkakaroon ng assessment ang City LGU upang madetermina ang karapat dapat na matulungan at upang di magkaroon ng over lapping sa mga tulong na ibinibigay ng pamahalaan.