Hindi na aniya dapat bahiran ng usaping pulitika o relihiyon ang paghahatid ng ayuda at tulong sa mga residente ng rehiyon na naapektuhan ng nagdaang pananalasa ng bagyong Inday.
Ito ang sinabi ni Bangasamoro READi, head Acting Director Muhammad Abutazil kasunod ng pagulan ng samut-saring mga batikos sa naging pagbisita ng mga BARMM government officials sa mga bakwit na pansamantalang nanunuluyan sa mga simbahan at mga kapilya sa mga naapektuhang bayan at lugar.
Ayon sa direktor, tanging layunin lamang umano ng pagpunta ng mga opisyales ng rehiyon sa mga evacuation centers ay upang alamin ang kasalukuyang lagay ng mga bakwit at matiyak na naihahatid sa kanila ang tulong mula sa pamahalaan.
Di rin aniya dapat pang bigyan ng malisya o kulay ang pagpasok ng BARMM government sa mga kapilya at simbahan dahil noon pa man ay ginagawa na nila ito para sa ibat ibang programa ng pamahalaan.
Bukas din umano ayon kay Abutazil ang Bangsamoro READi sa mga puna at kritisismo ng mga di pa naabutan ng tulong ngunit tahasan din nitong sinabi na unfair o di makatarungan ang pinakakalat na mga paratang na walang ginagawa ang pamahalaan pati na rin ang di mawala walang alegasyon ng pamumulitika at pamemersonal sa pagtugon sa kalamidad.
Saad ni Abutazil, may karapatann ang bawat mamamayang Bangsamoro na makatanggap ng serbisyo mula sa pamahalaan anuman ang kinagisnan nitong paniniwala sa pulitika o pananampalataya kung kayat giit nito na di magpapatinag ang Bangsamoro READi at iba pang mga kaakibat nitong ahensya sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong kumunidad hanggang sa makabangon sa pinsalang idinulot ni Bagyong Inday ang bawat Bangsamoro.

















