Muling nanindigan ang pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front na ang United Bangsamoro Justice Party o UBJP lamang ang kinikilalang regional parliamentary political party.
Ito ang binigyang-diin ni Engr. Mohajirin Ali, Information Officer ng MILF sa panayam ng Star FM Cotabato kasunod ng mga lumalabas na usapin na umano’y magkaugnay ang bagong partidong ABOT at ang UBJP.
Ayon kay Ali, bagamat may ilang personalidad sa ABOT na dati umanong bahagi ng UBJP, hindi nangangahulugan na iisa ang dalawang organisasyon o direktang konektado ang kanilang political structure.
Dagdag pa nito na wala umano silang nakitang aktibong miyembro ng UBJP na kabilang sa listahan ng mga nominado ng ABOT.
Nilinaw rin ni Ali na karamihan sa mga nominado ng ABOT ay nagmula sa civil society organizations at iba’t ibang people’s organizations o sectoral groups.
Kasabay nito, muling iginiit ng MILF leadership ang pagkilala nito sa UBJP bilang tanging regional parliamentary political party na kumakatawan sa kilusan sa nalalapit na Bangsamoro parliamentary elections.
Compose

















