Nakipagpulong si Member of Parliament Atty. Suharto M. Ambolodto, MNSA sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) kasama si Presidential Adviser Gen. Carlito Galvez Jr. (Ret.) kamakailan.

Sa pagpupulong, tinalakay ang mga kasalukuyang legislative developments sa Bangsamoro Transition Authority (BTA), kabilang ang pagtatapos ng interpellation phase para sa second reading ng TJRC Bill, ang nagpapatuloy na deliberasyon sa proposed 2026 regional budget, at ang paghahain ng districting bills para sa nalalapit na public consultations bilang paghahanda sa March 2026 parliamentary elections.

Kasama rin sa usapan ang lumalaking concern sa pag-urong ng Bangsamoro agriculture at fisheries sectors, na itinuturing na potensyal na panganib sa kabuhayan at seguridad ng hanapbuhay. Tinalakay ang kahalagahan ng sustainable development upang matugunan ang hamong ito.

Pinag-usapan din ang patuloy na koordinasyon sa OPAPRU upang matutukan ang implementasyon ng mga batas at programa na may kinalaman sa governance, justice, at demokratikong institusyon sa rehiyon.