Nakikiisa si Member of Parliament Atty. Kitem Duque Kadatuan Jr. sa sambayanang Moro sa pagdiriwang ng Eid’l Adha, isa sa mga mahalagang pagdiriwang ng mga Muslim na sumisimbolo sa sakripisyo at matibay na pananampalataya.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Kadatuan ang kahalagahan ng paggunita bilang paalala ng diwa ng sakripisyo, pananampalataya at malasakit sa kapwa.
Aniya, nawa’y magsilbing inspirasyon ang okasyon upang higit pang mapatatag ang pagkakaisa at pagtutulungan sa hanay ng mamamayan.
Ipinahayag din nito ang hangarin para sa patuloy na kapayapaan, pagkakaisa at kaunlaran para sa bawat pamilyang Bangsamoro at sa buong bansa.
Kasabay nito, nagpaabot si Kadatuan ng pagbati sa lahat ng nagdiriwang ng Eid’l Adha, na may hangad na maging mapayapa at makabuluhan ang paggunita ng okasyon.

















