Nakikipag-ugnayan ang Philippine Air Force (PAF) sa mga naulilang pamilya ng apat na piloto upang magbigay ng kinakailangang tulong kasunod ng pagbagsak ng dalawang SF-260 aircraft sa Fernando Air Base.
Sa pahayag ng PAF nitong Oktubre 24, 2026, sinabi nitong patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng aksidente. Pansamantala ring ipinahinto ang pagpapalipad sa lahat ng SF-260 aircraft bilang hakbang pangkaligtasan.
Hiniling din ng PAF sa publiko na igalang ang pribasiya ng mga pamilya habang nagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.
Nasawi ang apat na piloto matapos bumagsak ang dalawang SF-260 aircraft habang nagsasagawa ng training flight sa Fernando Air Base kahapon Oktubre 23, 2026, dakong alas-3:51 ng hapon. Kapwa bumagsak ang mga eroplano sa loob ng base at walang ibang nasawi sa insidente.

















