Matagumpay na pinangunahan ng tanggapan ng National Irrigation Administration sa pamamagitan ni IMO Manager MIMO Engr. Khomeini Oyod ang isinagawang mass distribution of operation and maintenance subsidy, canal clearing renumeration for communal irrigation systems sa Pagana Hotel sa lungsod ng Cotabato kahapon ng umaga.

Ang target sa naturang distribusyon ay ang mga Irrigators Association sa Maguindanao Norte at Sur kung saan tumanggap ito ng cash na subsidiya mula sa NIA MIMO.

Mismong si Engr. Oyod ang nagabot nito sa mga magsasaka na bagay namang pinasalamatan ng mga irrigators association na nakatanggap ng tulong sa gobyerno at nangakong gagamitin nila ito sa tama upang mas mapabuti ang kanilang pagsasaka.