Pormal nang inihain ni Senador Robinhood Padilla ang isang panukala na naglalayong itatag ang Kutawato Province na sakop ang walong SGA-BARMM municipalities. Inihain ni Senator Padilla ang Senate Bill 2875 noong nakaraang lunes, Nobyembre 11.

Ang mga munisipalidad ng Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Tugunan at Ligawasan na ngayong taon lamang naitatag sa pamamagitan ng mga isinagawang pagbalangkas ng Bangsamoro Regional Parliament ang sasakupin ng tinatawag na Kutawato Province, saad ng panukala.

Ayon sa butihing senador, mas magiging malawig at pangmalakihan ang mga serbisyo at pagawaing nayan na matatamo ng mga residente ng walong SGA municipalities kung magkakaroon aniya ito ng provincial government na mamamahala sa mga ito.

Naging parte ng punong teritoryo ng BARMM ang 63 barangays na sakop na ngayon ng 8 na bagong tatag na municipio ng SGA na bumoto ng pabor sa pagsama ng kanilang mga lugar sa rehiyon sa naganap na plebesito noong 2019.