Walang bago o intact pa rin kagaya ng naging plano noong October 1-8 local filing of candidacy ang latag ng seguridad para sa filing naman ng COC para sa mga lalahok sa First Bangsamoro Parliamentary Elections na magsisimula ngayong araw at tatagal ng hanggang Sabado.

Ito ay base sa security preparation na ipinakalat sa mga miyembro ng media ng Cotabato City Police Office. Isa na rito ang temporaryong pagsasara sa daloy trapiko ng kahabaan ng Gov. Gutierrez Avenue hanggang BGC mula 4 ng umaga hanggang 6 ng gabi.

May rerouting din ang mga pampasaherong jeep at mga pampribadong sasakyan na tutungo sa Notre Dame Village and Vice Versa, ito ay daraan sa Malagapas ND Village Road.

Kagaya ng dati, isa lamang sa mga kamaganak ng kandidato ang pinahihintulutang makasama sa loob. Maging ang mga empleyado ng BARMM at ang mga kliente nito ay makakaranas din ng higpit ng seguridad sa lugar na ipatutupad para sa kaligtasan ng lahat.