Sa kanyang post sa social media matapos ang campaign kickoff, sinabi ni Sinarimbo na narinig nila ang panawagan ng mga Bangsamoro para sa mas mahusay, makatao at responsableng pamahalaan.

Sinabi rin nitong dadalhin nila sa Parliament ang mga hinaing, adhikain at pangarap ng mga residente ng Cotabato City.

“Narinig namin ang inyong mga sigaw. Sigaw para sa mas competent at compassionate na gobyerno. Sigaw para sa mas responsable at hindi natutulog na serbisyo. Sigaw para sa mas matatag na Bangsamoro,” saad ni Sinarimbo.

Dagdag pa niya, bilang mga kandidato sa mga distrito ng Parliament sa Cotabato City, sisikapin nilang maging boses ng mga mamamayan.

“Kasama nyo kami, mga KaFed!” dagdag ni Sinarimbo.