Kinilala ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), ang political arm ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang 93.7 Star FM Cotabato sa mahusay at patas na paghahatid ng balita, impormasyon, at serbisyo publiko sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa isinagawang Media Conference and Yearend Kanduli ng UBJP sa lungsod ng Cotabato noong December 22, 2025 ginawaran ng sertipiko ng pagkilala ang himpilan, na tinanggap ni Station Manager Reynan Doce.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Doce ang mahalagang papel ng mga mamamahayag sa paghahatid ng tamang impormasyon “walang labis at walang kulang”, at ang kahalagahan ng pagkilala sa bawat partido na aktibong nakikilahok sa demokratikong proseso ng halalan. Aniya, patuloy ang himpilan sa pagbabantay at pagsusuri sa pinakamakasaysayang halalan sa rehiyon na nakatakdang ganapin sa susunod na taon.
Pinasalamatan din ni Doce ang UBJP sa kanilang suporta sa malayang pamamahayag at sa pagiging bukas sa mga kritisismo at hinaing ng bawat Bangsamoro na dumaraan sa mga mamamahayag.
Ang 93.7 Star FM Cotabato ay kinikilala bilang music and news station ng Bombo Radyo Philippines, na itinuturing na Number One and Most Trusted Source of News and Information sa buong BARMM at Cotabato City.

















