Posibleng ilabas ng Philippine Marines ang kanilang mga tangke de armas sa kahabaan ng Governor Gutierrez Avenue at sa kanto ng ORC sa lungsod ng Cotabato upang matiyak na magiging maayos at matieasay ang gaganapin na COC filing sa darating na Oktubre 1 hanggang 8.
Ngunit paglilinaw ni MBLT-5 Batallion Commander Lt. Col. Lester Mark Baky PN(M) na ito ay bahagi lamang ng kanilang layuning pangseguridad at hindi upang manakot o maghasik ng gulo sa mga inosenteng sibilyan.
Aniya, idedeploy lang nila ang mga ito para sa crowd control at paniniyak na masusunod ang rutang pangtrapiko o re-routing scheme para sa darating na COC filing para sa 2025 National and Local Elections.
On security need basis lamang din aniya ang pagdedeploy sa mga naturang tangke de armas.