Pormal nang ipinahayag ng magkasanib na United Bangsamoro Justice Party o UBJP at ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP ang hangarin nito na magpatakbo ng mga kandidato para sa Halalan 2025 sa lalawigan ng Sulu.

Ang mga magiging kandidato ay sa ilalim ng partidong UBJP. Ang hakbangin na ito ng mga partido ay mapalakas ang representasyon ng probinsya sa rehiyon at isulong ang mga mabuting adbokasiya para sa mamamayang Bangsamoro.

Ayon naman sa opisyal na pahayag ng UBJP, di sila aatras sa pagsusulong ng pagkakaisa at kapayapaan sa Bangsamoro Region kahit ano pa man ang kanilang sagupaing hamon sa 2025.