Inaanyayahan ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ang publiko na makiisa sa kanilang Grand Proclamation Campaign na gaganapin bukas, Lunes, Agosto 3, 2026, sa Lampsun, Barangay Madaya, Binidayan, Lanao del Sur.

Kaugnay nito, hiniling ng mga organizer ang pakikiisa ng lahat sa pagsunod sa mga itinakdang ruta, mga itinalagang paradahan, at iba pang traffic advisories upang matiyak ang maayos, ligtas, at mapayapang pagdaraos ng programa.

Nanawagan din ang mga organizer sa lahat ng kalahok na makipagtulungan sa mga marshals at iba pang kinauukulang awtoridad sa pamamagitan ng pagsunod sa kanilang mga tagubilin upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa buong aktibidad.