‎‎Nagpaabot ng pagbati ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa sambayanang Bangsamoro at sa mga Muslim sa iba’t ibang panig ng mundo kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha.‎‎

Sa mensahe ng partido, binigyang-diin ang kahalagahan ng paggunita bilang paalala ng mga pagpapahalagang kaakibat ng sakripisyo, pagsunod, malasakit, pagkakaisa, at matatag na pananampalataya sa Allah.‎‎

Ayon sa UBJP, ang pagdiriwang ay pagkakataon upang alalahanin ang aral mula sa buhay ni Propeta Ibrahim at higit na pagtibayin ang diwa ng paglilingkod sa komunidad at pagpapalakas ng pagkakapatiran sa hanay ng mamamayan.‎‎

Ipinahayag din ng partido ang panalangin na nawa’y tanggapin ang mga sakripisyo ng bawat isa at pagkalooban ang mga tahanan ng biyaya, habag, at patnubay.

‎‎Binigyang-diin din ng UBJP ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran para sa Bangsamoro.‎‎

Kasabay nito, nagpaabot ang partido ng pagbati ng mapayapa at makabuluhang pagdiriwang ng Eid’l Adha sa lahat ng nagdiriwang.‎