Ipinakita ng mga mamamayan ng Second District ng Cotabato City ang kanilang pagkakaisa sa isinagawang General Assembly ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP ngayong umaga Sabado, August 15, 2026.
Dinaluhan ito ng mga kandidato at opisyal ng UBJP, kasama ang tinatayang 2,532 na mga tagasuporta mula sa naturang distrito.
Bakas naman sa mga dumalo ang kanilang pag-asa at pagtitiwala sa mga adbokasiya at plataporma ng 13 kandidato ng UBJP sa distrito at sa buong Bangsamoro.
Naging masigla ang pagtitipon matapos pakinggan ng mga kalahok ang mga plataporma at programa ng bawat kandidatong humarap sa kanila.

















