Nagpahayag ng pakikiramay si Vice President Sara Duterte sa pagpanaw ni His Highness Sheikh Hamad Bin Khalifa Al Thani, na kilala bilang Father Amir ng State of Qatar.

Personal na bumisita ang bise presidente sa Embahada ng Qatar sa Makati City upang lumagda sa Book of Condolence bilang pakikiisa sa pamilya ng yumaong lider at sa mamamayan ng Qatar.

Si Sheikh Hamad Bin Khalifa Al Thani ay nagsilbing Amir ng Qatar mula 1995 hanggang 2013 at kinikilala sa malaking ambag nito sa pag-unlad at modernisasyon ng kanilang bansa.

Kinilala rin ni Vice President Duterte ang naging kontribusyon ng dating Amir sa pagpapalakas ng ugnayan ng Qatar sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Pilipinas.

Nagpaabot din ang bise presidente ng kanyang taos-pusong pakikiramay sa House of Thani at sa buong sambayanan ng Qatar.