Dalawa ang nasawi matapos sumiklab ang sunog sa Bashnor Merchandise Building sa Barangay Mother Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, madaling araw nitong Agosto 20, 2026.

Ayon sa ulat ng PRO BAR, alas-dose ng hatinggabi nang iulat ng isang concerned citizen ang sunog sa Shariff Aguak Municipal Police Station.

Agad na rumesponde ang mga pulis at nakumpirmang nilalamon ng apoy ang gusali. Ganap namang naapula ang sunog alas-1:43 ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Noraisa Lumna at Basco Abdulgani, kapwa may-ari o occupants ng gusali.

Ayon sa paunang imbestigasyon, kapwa sila naiulat na na-trap sa loob at nasawi dahil sa matinding pagkasunog.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at Bureau of Fire Protection upang matukoy ang pinagmulan at sanhi ng sunog, gayundin ang kabuuang halaga ng pinsala.