Arestado ang isang 39-anyos na babae matapos ipatupad ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya sa Mabini Street, Old Market, Barangay Poblacion 6, Cotabato City, kahapon, Agosto 13, 2026.
Kinilala ang suspek ay kinilalang si alyas Maria, 39-anyos, self-employed at residente ng Purok Islam, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City.
Isinagawa ang operasyon dakong alas-2:10 ng hapon ng tracker team ng City Intelligence Unit ng Cotabato City Police Office, katuwang ang mga tauhan ng Police Station 4 at Cotabato City Mobile Force Company.
Ang warrant ay inisyu ni Hon. Angelito Vencer Rasalan, Acting Presiding Judge ng Municipal Trial Court in Cities, 12th Judicial Region, Cotabato City, noong Agosto 12, 2026.
Kaugnay ito ng kasong paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code o Theft, sa ilalim ng Criminal Case No. 19761, na may inirekomendang piyansa na P30,000.

















