Dead on the spot ang apat habang sugatan ang dalawa sa pananambang sa Barangay Tuca-Maror sa isla ng Bongo sa bayan ng Parang sa Maguindanao Del Norte.

Kinilala ang mga nasawi na sina Kadir Didatu, 52 anyos, Abdulbayan Aragasi 30 at isang CAFGU member, alyas Abo, 50 at Sabdulla Tahir 40 na pawang mga residente sa nasabing barangay. Ang dalawa naman na maswerteng nakaligtas ngunit sugatan ay sina Binladen Diron, 20 at Tuma Naga, 40.

Tinuturo naman na suspek sa pananambang sina Kamid, Karudin, Sadama at Tato Lumbos, Mentik at Makmod Talib, Orpiano Abo at dalawa pang hindi natukoy sa ulat ni Parang COP PLTCOL Erwin Tabora at miyembro umano ng MILF 105th Base Command ang mga suspek.

Maghahatid lang umano ang mga biktima ng Dowri sa Sitio Kursi ng nasabing barangay ng sila ay pagbabarilin ng mga suspek gamit ang malalakas na uri ng armas.

Rido naman ang tinitignan na anggulo ng pananambang sa mga biktima ayon kay Col. Tabora.