Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang bahagi ng Eastern Samar nitong Lunes, Mayo 4, alas-2:09 ng hapon.
Ayon sa datos, naitala ang epicenter sa layong 9 kilometro hilagang 85 kanluran ng bayan ng San Julian, Eastern Samar, na may lalim na 10 kilometro.
Naramdaman ang Intensity V sa Can-avid, Eastern Samar; Dulag at Alangalang sa Leyte; at Gandara sa Samar.
Intensity IV naman ang naitala sa Abuyog, Palo, at Carigara sa Leyte.
Samantala, Intensity III ang naranasan sa ilang bahagi ng Biliran, Eastern Samar, Leyte, Sorsogon, at Southern Leyte habang Intensity II at I ay naitala sa iba pang karatig-lugar kabilang ang Cebu, Masbate, Albay, Iloilo, at Davao Occidental.
Patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon habang pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa posibleng aftershocks.

















