Kinilala ng American College of Surgeons o ACS ang pitong surgeon ng Cotabato Regional and Medical Center o CRMC bilang Fellows ng organisasyon.
Lima sa kanila ang bagong na-induct ngayong taon, kabilang sina Medical Center Chief II Dr. Ishmael R. Dimaren, Dr. Sittie Aneza Camille A. Maglangit, Dr. Halima O. Mokamad-Romancap, Dr. Amerah G. Oyod-Limjuco at Dr. Hassana Ontok-Manginda.
Nauna namang naging Fellows ng ACS sina Dr. Al-jazzer M. Angas at Dr. Paul Michael Vincent Lugtu noong nakaraang taon.
Kinatawan ng limang bagong Fellows ang CRMC at PCS Central Mindanao sa American College of Surgeons Clinical Congress 2026 na ginanap noong Setyembre 26 sa Washington, D.C.
Dinaluhan ang naturang international congress ng 2,118 surgeons mula sa 88 bansa.
Ang pagiging Fellow ng ACS ay pagkilalang nakabatay sa mga pamantayan ng organisasyon para sa professional qualifications at surgical practice.

















