Binanatan ni Opposition Cotabato City Councilor Gabby Usman ang mga nangungutya o nanlalait sa kanyang mga nagawa bilang halal na konsehal ng bayan.

Ginawa nito ang pagbanat sa naging pamimigay ng tulong ng partidong SIAP na syang partido nito sa Barangay Rosary Heights 10 ngayong araw.

Iginiit nito na hindi mababago ng pagtawag sa kanya ng unggoy at anupamang pang-asar ang kanyang track record at mga nagawa sa konseho bilang halal na konsehal.

Iginiit din nito na hindi marunong pumili ng mga lider ang Cotabateño lalo’t higit naman ang mga kritiko nito.

Bumwelta din si Usman sa mga kritiko ng bise alkalde ng lungsod na si Cotabato City Vice Mayor Butch Abu sabay sabi nito na magiging magaling na alkalde ang nasabing bise mayor kung ito ay pagbibigyan sa darating na halalan sa susunod na taon.

Tikom naman ang bibig ni Abu sa naging buwelta ni Usman sa mga kritiko nito.