Personal na dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa inaugural plenary session ng unang Regular Bangsamoro Parliament na ginanap sa Bangsamoro Parliament Plenary Hall sa Cotabato City kahapon, Oktubre 30.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Pangulo ang makasaysayang kahalagahan ng pagbubukas ng unang halal na Bangsamoro Parliament, na pormal na nagtatapos sa pitong taong transisyon sa ilalim ng Bangsamoro Transition Authority.
Inihayag din ni Marcos ang patuloy na suporta ng National Government sa Bangsamoro autonomy at sa mga demokratikong institusyon ng rehiyon. Aniya, nakahanda silang makipagtulungan sa pamahalaang bubuuin ng bagong halal na Parliament.
Ayon pa sa Pangulo, ang tagumpay ng Bangsamoro ay tagumpay din ng Mindanao at ng buong bansa.
Matapos ang inaugural session, isinagawa ang pagpili sa bagong Chief Minister, Speaker at iba pang opisyal ng Bangsamoro Parliament.

















