Gumagawa na ngayon ng aksyon ang pamahalaang lungsod ng Cotabato sa agarang ikalulutas ng kaso kaugnay ng panghahalay sa isang senior high school student kahapon.

Ang pagtitiyak, inihayag ng mismong alkalde, Mayor Bruce Matabalao sa isang facebook post.

Ayon sa alkalde, nakatakda sya na magbigay ng pabuya o patong sa sino mang makakapagturo sa mga sangkot sa panghahalay.

Matatandaan naman na humingi ng tulong ang biktima at pamilya ng hinalay na bata sa liderato ng alkalde para sa agarang hustisya at panagutin ang may kagagawan nito.