Nagsagawa ng surprise drug testing para sa lahat ng contractual at permanent employees ng Cotabato City Government nitong Lunes, ika-10 ng Nobyembre, sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Taon-taon na itong isinasagawa ng lokal na pamahalaan, subalit ngayong taon ay mas pinaigting upang masiguro ang kalinisan at maiwasan ang anumang paggamit ng iligal na droga sa hanay ng mga kawani.
Ayon kay Mayor Bruce Matabalao, makakamtan lamang ang katagang “Basta Cotabateño, Disiplinado” kung ang mga kawani mismo ng gobyerno ay malinis at sumusunod sa batas.
Patuloy ang Cotabato City Government sa pagpapatupad ng mga hakbang upang masiguro ang integridad at disiplina sa lahat ng kawani.

















