Kinikilala muli ang husay ng Bombo Radyo Philippines sa larangan ng radyo matapos nitong magwagi sa 2025 Catholic Mass Media Awards.
Ang flagship program ng network na Bombo Network News ay muling ginawaran bilang Best News Program, isang patunay ng patuloy na kredibilidad at pagtitiwala ng publiko sa network bilang Number 1 at Most Trusted Radio Network sa bansa pagdating sa balita at impormasyon.
Samantala, nakamit din ng Bombo Radyo ang Best Business News, na nagpapakita ng kakayahan at integridad ng mga programa nito. Sa larangan naman ng aliwan, itinanghal na Best Entertainment Program ang Pinoy Memories ng Star FM Iloilo, na nagpapatunay na kumpleto ang alok ng Bombo Radyo mula balita, impormasyon, hanggang sa libangan.
Dalawa pang programa ng network ang nakatanggap ng special citations o runner-up awards: Bombo Lifestyle sa Best Public Service Category at Istoyang Pasada: Takbo ng Star FM Manila sa Best Counselling Program Category.
Bukod dito, pinalad din ang Bombo Radyo na maging finalist sa lahat ng siyam na kategorya para sa radyo, na nagpapakita ng malawak na pagtangkilik ng publiko sa mga programa ng network at ang mataas na pamantayan nito sa larangan ng radyo.
Ayon sa network, ang mga pagkilalang ito ay alay sa milyon-milyong tagapakinig na patuloy na sumusuporta mula umaga hanggang gabi.
Basta Radyo… Bombo… Star FM, It’s All For You!

















