Naaresto si alyas “POGs”, isang kasal at magsasaka na residente ng Brgy. Libertad, Columbio, Sultan Kudarat, matapos ang matagumpay na buy-bust operation ng Columbio Municipal Police Station sa pangunguna ni PMAJ Joemari Y. Cua, Chief of Police, noong Marso 7, 2026 sa Brgy. Telafas.
Nasamsam mula sa kanya ang puting kristal na substansiya na pinaghihinalaang shabu, na may tinatayang timbang na 0.230 gramo, matapos ang ilang linggong masusing surveillance at intelligence gathering.
Pinuri ni PMAJ Cua ang mga personnel sa kanilang tapang, dedikasyon, at propesyonalismo. Kasalukuyan na ring pinoproseso ang nakumpiskang ebidensya at iniimbestigahan ang posibleng kasabwat.
“Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng walang patid na commitment ng PNP na labanan ang iligal na droga at tiyakin ang kaligtasan ng komunidad,” ani PMAJ Cua.

















