Pumasok sa opisina ng gasoline station sa Barangay Rosary Heights 7, Cotabato City ang isang hindi pa nakikilalang lalaki noong March 18, bandang 4:03 PM at nagdeklara ng hold-up gamit ang short firearm, ayon sa report ng Cotabato City Police Station 2.

Kinilala ang nag-ulat na si Alias “Jess,” 45 anyos, residente ng Block 9, Barangay Rosary Heights 9 at station supervisor. Ayon sa kanya, kinuha ng suspek ang P8,000.00 cash at isang Oppo cellphone na nagkakahalaga ng P4,000.00 bago mabilis na tumakas patungo sa hindi matukoy na direksyon.

Sa kasalukuyan, isinasagawa ng Cotabato City Police Office ang masusing imbestigasyon at follow-up operations upang matukoy at mahuli ang suspek. Pinapayuhan din ng pulisya ang publiko na manatiling mapagmatyag at i-report ang anumang kahina-hinalang tao o aktibidad sa pinakamalapit na police station.

Ayon kay PCOL Jibin M. Bongcayao, City Director ng CCPO, patuloy ang pagbabantay at pagbibigay ng updates habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Para sa agarang tulong o impormasyon, maaring tawagan ang Cotabato City Police Office sa 0997-344-5872 o 0929-350-7248.