Ipinahayag ng Cotabato City Police Office (CCPO) ang kanilang mga operational accomplishments mula March 1 hanggang 31, 2026, kabilang ang anti-illegal drugs operations, loose firearms operations, at arrest of wanted persons.
Ayon sa ulat, nakapagsagawa ang CCPO ng 18 anti-illegal drugs operations na nagresulta sa pag-aresto ng 19 indibidwal at pagkumpiska ng ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng PhP214,540.00.
Sa loose firearms operations, isang indibidwal ang naaresto habang dalawang armas ang isinumite o isinaldeposito sa pulisya.
Sa arrest of wanted persons, umabot sa 12 ang naaresto sa loob ng buwan, habang sa tatlong naitala na shooting incidents, isa ang naresolba at dalawa pa ang kasalukuyang iniimbestigahan para sa posibleng paghahain ng kaso.

















