Nanawagan si dating boxing champion Manny Pacquiao sa mga lider ng bansa na bigyan ng pagkakataon ang mga bata ng pagkakaton para magkaroon ng magandang kinabukasan.

Sa kaniyang talumpati sa United Nation’s Sports for Peace and Development: Leveraging Sport for Youth Empowerment and Prevention of Violent Extremism, binigyang halaga nito na ang sports ay isang tulay tungo sa kapayapaan.

Mahalaga na hubugin pa lamang ngayon ang mga bata sa sports lalo na ngayon at nahaharap sa iba’t-ibang krisis ang bansa.

Ibinahagi din nito na ang sports ang tumulong sa kaniya para magkaroon ng disiplina at pag-asa.

Dagdag pa nito na ang mga bata ay mahalagang mabigyan ng suporta, gabay para sa magandang kinabukasan.