Ipatutupad ang nakatakdang brownout sa ilang lugar sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur sa darating na Linggo, Abril 26, 2026.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines, mawawalan ng kuryente mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ang mga apektadong lugar.

Kabilang sa maaapektuhan ang mga lugar na saklaw ng Maguindanao Electric Cooperative, Inc., partikular ang Rajah Silongan Kudarat, Salbu at Talayan substations.

Isinasagawa ang power interruption para sa pagpapatuloy ng line repairs sa Esperanza–Talayan 69kV line segment, ayon sa NGCP.
Dagdag pa, ang eksaktong mga barangay na maaapektuhan ay tutukuyin ng MAGELCO.

Samantala, tiniyak ng NGCP na kanilang pagsisikapan na maibalik ang suplay ng kuryente sa lalong madaling panahon o ayon sa itinakdang oras.

Pinapayuhan ang publiko na maghanda upang maiwasan ang abala dulot ng pansamantalang pagkawala ng kuryente.