Magkakaroon ng nakatakdang pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Cotabato City sa Biyernes, Mayo 8, 2026, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-1:00 ng hapon.

Apektado ng limang oras na power interruption ang mga lugar ng Zenaida, Rosary Heights 7, at mga karatig na komunidad.

Ayon sa abiso, isasagawa ang naturang interruption upang bigyang-daan ang upgrading o pagpapahusay ng mga linya ng kuryente sa mga nabanggit na lugar.

Pinapayuhan ang mga residente at mga establisimyento sa mga apektadong lugar na magsagawa ng kaukulang paghahanda upang maiwasan ang abala habang isinasagawa ang mga kinakailangang trabaho.

Humihingi naman ng paumanhin ang pamunuan sa anumang abalang maidudulot nito at umaasa sa pang-unawa at kooperasyon ng publiko.