Nagsagawa ng pulong-pulong ang Bangsamoro Federalist Party sa Lanao del Sur at Marawi City sa pangunguna ni BFP President at Member of Parliament Tomanda Antok, PhD, kasama ang ilang nominees ng partido at mga concurrent Member of Parliament.
Dumalo sa naturang konsultasyon ang iba’t ibang sektor kabilang ang religious sector o mga ulama, traditional leaders, ilang MILF commanders, at community organizers upang ilahad ang kanilang mga hinaing at kalagayan sa kanilang mga komunidad.
Ayon sa ulat ng partido, layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng partido sa mga lokal na sektor at makakuha ng direktang feedback kaugnay ng mga isyung panlipunan at politikal sa naturang mga lugar.
Binigyang-diin ni MP Tomanda Antok sa pagpupulong ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na konsultasyon sa mga sektor bilang bahagi ng mas inklusibo at organisadong pamamahala sa Bangsamoro region.
Sinabi pa ng partido na magpapatuloy ang kanilang mga konsultasyon sa iba pang bahagi ng Lanao del Sur at Marawi City bilang bahagi ng pagpapalawak ng kanilang grassroots engagement network.
Home Local News Mga ulama, MILF commanders at community leaders, kinausap ng Bangsamoro Federalist Party

















