Pinangunahan ni PSRO- BARMM Executive Director Anwar Alamada ang pamamagitan o ang dispute resolution sa pagitan nina Commander Theng Mamo at Commander Basco Sali sa tanggapan nito kahapon.

Sina Commander Basco at Commander Theng ay may katagalan nang may rido at parehas kasapi ng MILF na nag-ooperate sa bayan ng Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur.

Kapwa naman sila lumagda sa kasunduan at tinuldukan na nila ang kanilang hidwaan sa loob ng mahabang panahon kung saan sila ay nangako sa banal na Quoran na titigil na sa girian at ibalik ang magandang samahan bilang mga Mujahideen.

Kaugnay nito, labis na nagpapasalamat si Alamada sa bawat panig na nakipagkaisa sa tawag ng kapayapaan at hudyat na ito ng pagbabago para sa mga pamilya nito.