Arestado ng Philippine Drug Enforcement Group Special Operation Unit-BAR katuwang ng Cotabato City Police ang isang trabahador ng Malabanan o Poso Negro matapos makuhanan ng hinihinalang bawal na gamot nang isagawa ang Search Warrant Operation dito.

Ayon sa PDEG-SOU, tatlong beses nabilhan ng asset ang suspek bago ihain sa kanya ang search warrant matapos positibong kinumpirma ng asset na mayroon itong itinatagong iligal na droga sa dingding ng pamamahay nito.

Sa search warrant operations na isinagawa, natagpuan ang 13 piraso ng maliliit na paketeng may laman ng hinihinalang shabu sa loob ng dingding ng pamamahay ng suspek na kinilalang si alyas Bryan.

Aminado naman ang suspek na nagbebenta ito at kumukunsumo ng iligal na droga.

Nasa kustodiya na ng kinauukulan ang nasabing tulak at adik.