Naaresto ng Cotabato City Police Office ang isang suspek sa kasong carnapping matapos ang mabilis na isinagawang hot pursuit operation sa Cotabato City kagabi, MAY 12, 2026.

Nakatanggap ng ulat ang mga awtoridad hinggil sa insidente ng carnapping na naganap sa kahabaan ng Doña Blanca Street, Mother Barangay Poblacion. Agad na rumesponde ang mga operatiba sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Reofisto R. Ferrer Jr., Station Commander, katuwang ang mga Police Visibility Post sa lugar.

Sa imbestigasyon, lumalabas na bandang 8:25 PM nang mangyari ang insidente sa harap ng isang restaurant sa De Mazenod Street, Barangay Rosary Heights 3, kung saan tinutukan umano ng kalibre .45 na baril ang biktima ng suspek.

Sapilitan umanong tinangay ng salarin ang Honda Click V3 na motorsiklo na may plakang M397JV, gayundin ang isang iPhone 12 Pro. Sa agarang follow-up operation, natunton at naaresto ang suspek sa Superama PVP sa kahabaan ng Doña Blanca Street, Mother Barangay Poblacion.

Narekober mula sa suspek ang isang STI Edge .45 caliber pistol na may lamang bala, iba’t ibang cellphone kabilang ang mga pag-aari ng biktima, isang spare key, at ang tinangay na motorsiklo.

Kasalukuyan itong nasa kustodiya ng pulisya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act of 2016, Robbery with Intimidation, at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa suspek,