Nagbigay ng karangalan sa Cotabato State University ang dalawang graduates nito matapos makapasok sa Top 10 ng March 2026 Licensure Examination for Professional Teachers o LEPT, ayon sa resulta na inilabas kahapon ng Professional Regulation Commission.
Nakuha ni Suhad A. Abdulgani, graduate ng Bachelor of Elementary Education o BEEd, ang Top 8 sa nationwide rankings matapos makapagtala ng 93.20 percent na marka.
Samantala, pumuwesto naman sa Top 10 si Mary Grace E. Arellano, graduate ng Bachelor of Secondary Education Major in English, na nakakuha rin ng 93.20 percent na rating.
Batay sa tala ng PRC at Board for Professional Teachers, mahigit 18,000 elementary teachers at mahigit 45,000 secondary teachers ang matagumpay na nakapasa sa pagsusulit na isinagawa noong March 15, 2026 sa iba’t ibang testing centers sa buong bansa.

















