Nagsagawa ang United Bangsamoro Justice Party o UBJP ng Campaign Orientation, Planning, Tasking, at Programming Activities bilang paghahanda sa nalalapit na kampanya.

Layunin ng pagtitipon na pagtibayin ang mga plano, tungkulin, at mga estratehiya ng partido para sa mas maayos na implementasyon ng kanilang mga gawain sa darating na campaign period.

Tinalakay sa aktibidad ang mga konkretong hakbang upang mapalakas ang koordinasyon ng mga miyembro at mga opisyal ng partido sa iba’t ibang antas.

Ayon sa UBJP, mahalaga ang naturang oryentasyon upang matiyak ang maayos at organisadong paghahanda para sa mga susunod na political activities.