Naglabas ng abiso ang Metro Cotabato Water District (MCWD) kaugnay ng pansamantalang pagkawala ng serbisyo ng tubig sa ilang bahagi ng Rosary Heights 8 ngayong Sabado, Hunyo 6.

Ayon sa MCWD, magkakaroon ng temporary water service interruption o walang suplay ng tubig mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon dahil sa isasagawang paglilipat ng 100mm PVC main line na apektado ng drainage construction sa kahabaan ng Earth Street.
Kabilang sa mga maaapektuhang lugar ang Earth Street, Rosary Heights 8, Cotabato City.

Ipinaliwanag ng MCWD na kinakailangang isara ang ilang valves upang maisagawa nang maayos at ligtas ang nasabing relocation activity. Bahagi ito ng pagsasaayos ng linya ng tubig na naapektuhan ng kasalukuyang proyekto sa drainage system sa lugar.

Samantala, tiniyak ng MCWD Engineering Team na kanilang pagsisikapang matapos agad ang trabaho upang maibalik sa normal ang serbisyo ng tubig sa pinakamaagang panahon.

Pinapayuhan naman ang mga residente at establisimyento sa apektadong lugar na mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig habang isinasagawa ang nasabing aktibidad.

Humihingi rin ng pang-unawa ang pamunuan ng MCWD sa pansamantalang abalang dulot ng pagkawala ng serbisyo at nagpasalamat sa patuloy na kooperasyon ng publiko.