Naglabas ng tsunami warning ang mga awtoridad matapos ang magnitude 7.0 na lindol na tumama sa karagatang bahagi ng Sarangani bandang alas-7:37 ng umaga ngayong Lunes, Hunyo 8.
Batay sa paunang impormasyon, naitala ang sentro ng lindol sa layong offshore ng Sarangani sa koordinasyong 5.99 degrees North at 125.17 degrees East, na may lalim na 10 kilometro.
Dahil sa lakas at lalim ng lindol, agad na naglabas ng tsunami warning ang mga kinauukulang ahensya habang patuloy na minomonitor ang posibleng epekto nito sa mga baybaying lugar.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga komunidad na malapit sa dagat na manatiling alerto at sumunod sa mga direktiba ng lokal na pamahalaan at disaster response authorities.
Patuloy namang hinihintay ang mga susunod na abiso at karagdagang impormasyon kaugnay ng sitwasyon.

















