Nakapagtala na ang PHIVOLCS ng kabuiang 1, 158 aftershocks kasunod ng malakas na magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Nasa 328 na aftershocks ang na-locate habang nasa 28 ang naramdaman ng mga resident sa mga apektadong lugar.
Pumapalo ang lakas ng naitalang aftershocks mula magnitude 1.3 hanggang 6.7.
Sa ngayon, umaabot na sa mahigit 77,000 indibidwal ang apektado sa buong Mindanao base sa inisyal na datos.
Habang nagpapatuloy ang mga isinasagawang search, rescue at retrieval operations kasunod ng mapaminsalang epekto ng lindol, na kumitil na ng 37 katao, ikinasugat ng daan-daang indibidwal at mayroon pang apat na napaulat na nawawala.

















