atagpuan na ang katawan ni Aleja Badal Pinagayao, ang buntis na babaeng iniulat na nawawala matapos umanong t*m4l0n mula sa tulay na nag-uugnay sa Datu Piang at Nabalawag.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Nabalawag, natagpuan ang labi ni Pinagayao nitong Miyerkules ng umaga, Nobyembre 4, sa bahagi ng ilog sa Upper Taviran, Mother Kabuntalan, Maguindanao del Norte.
Bandang alas-9:30 ng umaga nang makarating ang mga labi sa pamilya ng biktima matapos ang isinagawang retrieval operation.

















