Nakatakdang magsagawa ng General Assembly at Peace Advocacy Program ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa darating na Hunyo 20, 2026 sa Barangay Kibayao, Municipality of Kapalawan sa Special Geographic Area (SGA)-BARMM.

Bitbit ang temang “United Through MILF-UBJP: Strengthening the Foundations of Peace and Solidarity in the Bangsamoro,” layunin ng pagtitipon na higit pang patatagin ang kapayapaan, pagkakaisa, at pagkakapatiran sa hanay ng mamamayang Bangsamoro.

Inaasahang dadalo at magbibigay ng mensahe sa programa sina Sheikh Abdulmanan Kitogi, Hon. Kap Jonas Mohamad, Hon. Mohagher “IQ” Iqbal, Vice Chairman ng MILF para sa Political Affairs, Dr. Anuar Alameda, Dr. Luqman Sultan, Sheikh Abdulwahab Kawilan, at Hon. Abusaima Hussain.

Gaganapin ang aktibidad sa Covered Court ng Barangay Kibayao simula alas-8 ng umaga at inaasahang lalahukan ng mga miyembro ng MILF at UBJP, mga opisyal ng pamahalaan, religious leaders, at iba pang stakeholders mula sa iba’t ibang bahagi ng Bangsamoro.

Ayon sa mga organizer, magsisilbi ang programa bilang plataporma upang palakasin ang adbokasiya para sa kapayapaan, pagkakaisa, at sama-samang pagsusulong ng kaunlaran sa rehiyon sa ilalim ng panawagang “MILF-UBJP: Isang Bangsamoro, Isang Hinaharap.”