Nasunog ang isang yate na may kargang mga relief supply na nakalaan para sa mga komunidad na naapektuhan ng lindol habang naglalayag sa karagatan ng Glan, Sarangani Province.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), agad na nagsagawa ng rescue operation ang mga responder kaya ligtas na nailikas ang lahat ng sakay ng yate.

Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng sunog na sumiklab habang nasa karagatan ang sasakyang pandagat.