Magsasagawa ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ng isang Voters’ Education Assembly sa Datu Butocan Abas Elementary School sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte bukas, June 14, 2026, alas-10:00 ng umaga.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman ng mga botante hinggil sa kanilang mga karapatan at responsibilidad sa gitna ng paparating na mga proseso ng halalan.

Sa ilalim ng temang “Your Vote. Your Voice. Our Future.” bibigyang-diin sa pagtitipon ang kahalagahan ng pagiging maalam, aktibo, at responsableng botante.

Inaasahan ding tatalakayin sa programa ang mensaheng “Boto Ko, Kinabukasan Ko,” bilang paalala na ang bawat boto ay may katumbas na epekto sa kinabukasan ng komunidad at ng Bangsamoro region.

Hinihikayat ng UBJP ang mga kalahok na maging mulat sa kanilang karapatan bilang botante, makilahok sa demokratikong proseso, at bumoto nang tama at tapat.

Ayon sa grupo, mahalaga ang pagkakaroon ng informed voters upang mapalakas ang demokrasya at masiguro ang mas maayos na pamamahala sa rehiyon.