Nagpatupad ng pansamantalang water service interruption ang Metro Cotabato Water District ngayong Lunes, June 15, 2026 dahil sa isinasagawang emergency repair sa Biniruan Bulk Water Supply Plant na pagmamay-ari at pinapatakbo ng Hanabana Water Corp..
Apektado ng “no water” interruption ang mga residente ng Barangays Rosary Heights 2, Rosary Heights 3, Rosary Heights 4, Rosary Heights 5, Poblacion MB, Poblacion 2, Poblacion 3, Poblacion 4, Poblacion 8, Tamontaka 2, Tamontaka 3, Tamontaka 4, at Tamontaka 5.
Ayon sa MCWD, agad namang isinasagawa ang pagkukumpuni upang maibalik sa normal ang suplay ng tubig sa mga apektadong lugar sa lalong madaling panahon.
Humingi rin ng pang-unawa ang ahensya sa mga residenteng maaapektuhan ng pansamantalang pagkaantala ng serbisyo.

















