Nagsagawa ng voter education activity ang Bangsamoro Federalist Party para sa mahigit 200 miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) noong Hunyo 14, 2026 sa Tamontaka, Cotabato City bilang bahagi ng paghahanda para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections.

Dumalo sa aktibidad at nagbigay ng mensahe sina MP Tomanda D. Antok, Ph.D, MP Butch Malang, Minister Akmad Brahim, BFP Secretary General Tamano Macacua, Commander Ustadz Wahid Tundok, Commander Yasser Kadir, at Commander Ibra Amaikurut, na ika-32 nominee ng Bangsamoro Federalist Party.

Tinalakay sa programa ang mahahalagang impormasyon kaugnay sa proseso ng halalan, kahalagahan ng responsableng pagboto, at aktibong partisipasyon ng mamamayan sa pagpapatatag ng demokratikong pamamahala sa Bangsamoro.

Ayon sa Bangsamoro Federalist Party, layunin ng voter education initiative na mapalawak ang kaalaman ng mga botante upang makaboto nang may sapat na impormasyon at makapag-ambag sa isang mapayapa, malaya, at makabuluhang halalan sa Bangsamoro.