Patuloy na naaapektuhan ng Southwest Monsoon ang buong rehiyon ng BARMM. Ayon sa weather outlook, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Nagbabala rin ang mga awtoridad sa posibilidad ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na makararanas ng katamtaman hanggang sa minsang malakas na pag-ulan.

Samantala, ang direksyon ng hangin ay mula sa timog-kanluran o southwest, na may lakas na katamtaman hanggang malakas. Sa mga karagatang sakop ng BARMM, inaasahan ang bahagya hanggang katamtamang pag-alon, na may taas na 1.2 hanggang 3.1 metro.

Pinapayuhan ang publiko, lalo na ang mga mangingisda at mga biyahero sa dagat, na mag-ingat at patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon.