Namahagi ng ayuda sa mga sinalanta ng nagdaang pagbaha sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur si Maguindanao del Sur Board Member Bobby Midtimbang.

Namahagi rin ng tulong pinansyal ang bokal ng probinsya sa mga Ustadz. Kasama sa naturang pamimigay ng opisyal ang bise alkalde ng bayan na si Shariff Aguak VM Engr. Marof Ampatuan.

Lubos naman na nagpasalamat si Midtimbang sa mga nasa sektor ng mamumuhunan na nagbigay ng donasyon upang masakatuparan ang pamimigay ng tulong at ayudang pinansyal at pagkain sa mga nangangailangan nito.